YES THE BEST 911 BORACAY

Monday, January 09, 2012

Tourist Guide, hihilinging tumulong sa pagbibigay paalala sa mga turista

Ni Edzel Mainit, Senior Field Reporter, YES FM Boracay

Plano ngayon ni Police Supt.  Julio Gustilo Jr., Hepe ng Boracay Special Tourist Police Office (BSTPO), na kausapin ang lahat ng tourist guide sa isla, para makatulong ang mga ito sa pagbigay paalala sa mga turista pagdating sa pag-iingat sa kanilang mga gamit.

Ayon sa hepe ng Pulis Boracay na hihilingin nito sa lahat ng tourist guide na i-translate sa iba’t ibat salita o wika, tulad ng Korean, Chinese, at iba para ang mga tips o paalala ng pulis para mas madaling naunawaan kung ipabatid ito sa mga turista lalo na ang ukol sa mga ordinansa sa isla.

Ang tips na tinutukoy ni Gustilo, ay paalala sa mga turista na ingatan at ayusin ang kanilang mga mahahalagang gamit, ng sa ganon kung hindi talaga maiwasang mabiktima ang mga turistang ito, mabawasan din ang nananakawan.

Ang pahayag na ito ni Gustilo ay kasunod ng mga reklamong ipinararating sa pulisya kaugnay sa mga turistang ninakawan sa mga bar at front beach.

Naniniwala ang hepe na may kapabayaan din ang mga bisitang ito, sapagkat iniiwan lamang ang kanilang mga gamit kung saan, bagay na ang mga masasamang elemento  katulad ng  mga sindikato at grupo ng mga kriminal ay nakakakita rin ng pagkakataon na mangdedekwat.

No comments:

Post a Comment