YES THE BEST 911 BORACAY

Monday, January 09, 2012

Ati-atihan sa Boracay, nais i-preserba

Ni Edzel Mainit, Senior Field Reporter, YES FM Boracay

Ikinatuwa ng Simbahang Katolika, partikular ng Holy Rosary Parish Church sa Boracay, na napanatiling banal ang selebrasyon ng Ati-atihan sa isla, at hindi napasok ng komersiyalismo.

Sa panayam kay Fr. Magloire “Adlay” Placer, aminado ang pari na ilang beses na ring tinangka noon paman na pasukin ito ng komersiyalismo.

Subalit pinanindigan ng simbhan na maging payak lamang ang selebrasyon nito para sa mga nanampalataya kay Sr. Santo NiƱo.

Aniya, gusto talaga ng Simbahan na mapanatili itong banal at mai-preserba para sa mga deboto at sa kanilang paniniwala sa Poon, na hindi na kailangan pa ng selebrasyong bongga gayong ang mahalaga ay ang pananampalataya,  pasasalamat sa mga debosyong natangaap at kanilang panata.

Samantala, ipinagpasalamat naman ni Fr. Placer na kahit hindi contest o patimpalak ang Ati-atihan sa Boracay, nakita nito ang interest ng mga tao sa Boracay para makisali at makibahagi sa taunang selebrasyon.

Dahil sa ganitong ipinakikita umano ng tao sa isla, inaasahan ng pari na maraming debosyon at pagpapala ang darating sa Boracay, dahil sa mga dasal at matibay na pananampalaya ng mga tao dito.

Ikinagalak naman ng Kura Paroko ang matagupay na pagdiriwang ng Ati-atihan sa tulong at suporta ng publiko sa isla.

No comments:

Post a Comment