Ni Edzel Mainit, Senior Field
Reporter, YES FM Boracay
Tila hindi na mapipigilan pa ang pagtaas ng singil sa
Terminal Fee na ipapatupad sa Caticlan Jetty Port ano mang araw simula ngayon
taon.
Ito ay makaraang mailusot at maaprobahan ng Sangguniang Panglalawigan
ng Aklan sa paraan ng isinulong na General Ordinance na naglalaman ng bagong
Revenue Code ng probinsiya sa huling sisyon na isinagawa bago paman matapos ang
taon ng 2011, at ngayong taon ng 2012 ipapatupad na ito.
Kung saan napaloob sa bago at komprehisibong Revenue Code ng
Aklan, ang taripa sa pagbubuwis, gaya ng sa mga propidad (Real Property Tax),
buwis sa negosyo, franchise tax, professional tax at marami pang iba.
Kasama din sa bagong revenue code ay nilatag ang taripa sa
mga siningil na renta sa mga gusali na pag-aari ng pamahalaang probinsiya,
bayarin o Fees katulad ng terminal fee sa Caticlan Jetty Port, at bayarin sa
pagpapaupa ng mga pasilidad ng gobyerno sa Aklan.
Samantala, dahil sa aprobado na ito, inaasahang ano mang
buwan ay maglalabas na rin ng kautusan ang kina-uukulan kung kaylan ito pormal
na ipapatupad matapos maisapubliko.
Matatandaang kasabay ng pasulong at pag-ameyenda sa Revenue
Code na ito, ay hiniling din ni Aklan Governor Carlito Marquez na gawing isang
daang piso mula sa pitongput limang piso na singil sa terminal Fee sa Caticlan
Jetty Port.
Mapupunta di umano ayon sa gobernador ang kikitain dito sa
pagpapa-unlad ng terminal at pasilidad ng pantalan gayon din pang bayad sa Bond
Floatation o utang ng pamahalaang probinsiya na siyang ginamit na pundo sa
reklamasyon sa Caticlan at planong expansion ng Jetty Port.
No comments:
Post a Comment