YES THE BEST 911 BORACAY

Tuesday, January 10, 2012

Trapiko sa Boracay, unang problemang tinukoy ng konseho ngayong taon

Ni Edzel Mainit, Senior Field Reporter, YES FM Boracay

Pinoproblema ngayon ng Sangguniang Bayan ng Malay kung papaano mapa-gaan ang trapiko sa isla ng Boracay.

Dahil dito, nakabuo ng suhestiyon ang Sangguniang Bayan ng Malay na kung maaari ay ibalik at ipatupad ang color coding sa mga tricycle sa isla, ito’y matapos mapansing may kabigatan na rin ang trapiko sa isla.

Ang suhestiyong ito ay isinatinig ni SB Member Esel Flores matapos ihayag ni SB Member Dante Pagsugiron ang kaniyang obserbasyon ukol sa dami ng sasakyan at para mabawasan na rin ang bigat sa trapiko.

Paliwanag ni Flores, kapag maipatupad ang color coding, inaasahan nitong malaki ang pagbabagong mangyayari sa mainroad dahil limampung pursiyento ng mga tricyle na ito ay mamamahinga muna tuwing araw at hindi na gaanong maka-abala sa mga kalsada.

Maliban dito, umaasa din si Flores na maipatupad ng maayos ang loading at unloading area gayong mayroon namang mga signage na nakalatag sa mga tabing-daan.

Sapagkat kapag hindi umano maayos ang suliraniun ukol dito, ang mga pasahero din ang mahihirapan.

Ang mga pahayag na ito ay isinatinig ng mga nabanggit na konseho, sa unang sesyon palang ng SB sa taong ito nitong umaga.

No comments:

Post a Comment