YES THE BEST 911 BORACAY

Tuesday, February 14, 2017

Basura sa Boracay, ayusin- Sualog

Posted February 14, 2017
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for basura“Basura sa Boracay, ayusin”

Ito ang sinabi ni Vice Mayor Abram Sualog sa ginanap na session nitong Martes sa Sangguniang Bayan ng Malay.

Ang komento ay nag-ugat pagkatapos ng presentasyon ni Engr. Arnold Solano, OIC ng Solid Waste Management ang estado ng mga basura sa isla kung saan ito ay kinabibilangan ng tatlong barangay sa Boracay.

Ikinagulat ni Sualog ang umano’y pagkakaiba ng presentasyon ni Solano sa aktwal na itsura ng Manoc-manoc centralized MRF na ayon pa sa Vice Mayor na ang mabahong amoy nito ay nalalanghap ng mga residente malapit doon.

Isa-isa ring inusisa ng mga SB Memebrs kung ano ang mga pagbabagong ginagawa ng Solid Waste lalo na sa pag-kolekta at pag-ayos ng Centralized MRF sa Manoc-manoc.

Tanong ni SB Bautista, paano umano makokolekta ang lahat ng basura sa isla kung sa kontrata pa lang ng haulers ay hindi nababayaran kung saan sinagot naman ito ni Solano na naipasa na umano ang budget nito sa accounting office pero hindi niya alam kung bakit hindi pa naibibigay.

Maliban kay Solano, naging bisita rin sina Alma Belejerdo- MPDC-BAC Chairman, Shala Amacio-MRF Supervisor at Charlie Solis Hauler-Residual Waste.

No comments:

Post a Comment