Posted February 17, 2017
Ni Danita Jean A. Pelayo, YES FM Boracay
Sa ginanap na 6th
Regular Session ng SB Malay, naging panauhin ang isang environmentalist para tumulong
na tugunan ang suliranin sa solid waste management ng Malay.
Kinilala ang
panauhin na si Dra. Melinda Palencia na isang Professor at Environmentalist ng Adamson
University na nagbahagi ng kanyang kaalaman tungkol sa Ecological Solid Waste ,
Clean Water at mga units sa Green and
Beautification.
Layun umano ng
presentasyon ni Palencia na tulungan na maging organisado ang environmental
office ng bayan lalo na ang MENRO.
Personal na
hiniling at inimbitahan ni Cawaling si Dra. Palencia para alalayan ang Municipal
Environments of Natural Resources na siyang may mandato para ayusin basura sa
Boracay at maging ang landfill sa Cabulihan, Malay.
Kung maalala,
makailang beses tinalakay sa Sangguinang Bayan ang suliranin at pagsubok na
hinaharap ng LGU-Malay lalo na sa Manoc-manoc Centralized MRF lalo na ang
sitema at pag-resolba sa dumaraming basura sa isla.
Samantala, ang
nasabing usapin ay i-rerefer pa Committee on Environment para sa magiging
desisyon sa nasabing proposal.
No comments:
Post a Comment