YES THE BEST 911 BORACAY

Thursday, February 16, 2017

BUB Project ng DTI-Aklan, pinondohan ang mga Aklanon Entrepreneurs

Posted February 16, 2017
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for Bottom-Up-Budgeting program ng Department of Trade and Industry- Aklan.
Nasa 250 na negosyante sa Aklan ang nakinabang sa Bottom-Up-Budgeting program ng Department of Trade and Industry- Aklan.


Ang pondo ng nakaraang taon ng BUB na nagkakahalaga ng P0.5M P0.7M at P0.5M ay tinurn-over ng bayan ng Libacao, Kalibo at Nabas.

Ang bayan ng Libacao ay isa sa napiling pondohan kung saan ginugol ito sa mga livelihood projects at pagsasanay sa mga magsasaka kung paano mag umpisa ng sariling pagkakakitaan.

Kabilang dito ang skills training on Wood Craft Making at Marketing promotion assistance maliban pa sa dalawang nakabinbin na aktibidad para sa naturang BUB project sa Libacao.

Samantala sa bayan ng Kalibo, pitong aktibidad ang sinuportahan tulad ng fiber at food industries maliban sa benchmarking mission na nakatakdang umpisahan sa unang semester ngayong taon.

Isang daan at animnaput-siyam naman na mga negosyante ang sinanay ng isinagawa itong programa.

Kaugnay nito, isa sa mga naging highlights ng BUB sa Kalibo ang pag-award sa apat na NegoCarts o (food carts) sa mga negosyanteng Kalibonhon.

Sa resulta umano ng DTI BUB projects, inaasahan ng kagawaran na makatulong ang programa sa mga bagong negosyante para mapabuti ang kanilang kabuhayan.

Inaasahan naman na marami pang partisipante ang maka-benepisyo ngayong taon.

No comments:

Post a Comment