Posted February 16, 2017
Ni Danita Jean A.
Pelayo, YES FM Boracay
Itinutulak ngayon ng isang grupo na magtayo ng Cable Car
system na magkokonekta sa Boracay at Caticlan.
Sa ginanap na 6th Regular Session ng SB Malay
nitong Martes, i-prenesenta ang balak na bagong Boracay Transport Sytem sa Sangguniang
Bayan ng Malay.
Sa pangunguna ni Angel Lazaro at ng Associates
International, ang proposal ay ang paglagay ng cable car na maging alternatibong
transportasyon umano sa Boracay.
Sa kasulukuyang sitwasyon sa mga jettyport na siksikan at
pahirapan sa pagsakay ng mga pasahero at turista, ayon kay Lazaro ang cable car
ay isang magandang option.
Maliban umano na magbibigay ito ng “ wow” factor sa mga turista,
makakabawas din daw ito ng polusyon at mas magiging komportable ang mga tatawid
ng isla.
Sakaling aprobahan, ang proyekto na may 1.5 Billion na
budget ay aabot sa labing- walo hanggang
dalawampu’t apat na buwan para maumpisahan.
Sa ngayon, hinihintay pa ang magiging desisyon ng Sangguniang
Bayan ukol sa nasabing proposal.
No comments:
Post a Comment