Ni Danita Jean A.
Pelayo, YES FM Boracay
Idineklarang Dead on Arrival ang isang lalaki matapos
itong barilin kagabi sa Brgy. Lilo-an, Malinao, Aklan.
Kinilala ang biktima na si Jerry Abenal y Irabon, 27-anyos,
residente ng nasabing lugar.
Ayon sa report ng Malinao PNP, pauwi na umano ang biktima
galing sa bahay ng kanyang kapatid.
At sa di kalauna’y nagulat na lamang ang ina at kapatid
nito matapos na makarinig ng putok ng baril na nagmumula sa bahay ni Irabon kung
kaya’t agad nila itong pinuntahan at dito nga umano nakita na nabaril ito.
Agad namang isinugod sa hospital ang biktima na nagtamo umano
ng tama sa kanang bahagi ng kaniyang katawan ngunit kalaunan ay dineklarang DOA
o Dead on Arrival.
Sa ngayon ay inaalam na ng mga pulis ang motibo sa
nangyaring pamamaril kung saan ngayong araw ay isasailalim sa autopsy ang
bangkay ng biktima.
Habang isinasagawa naman ang imbestigasyon para matukoy
ang suspek sa likod ng nasabing krimen.
No comments:
Post a Comment