Posted February 13, 2017
Ni Danita Jean A.
Pelayo, YES FM Boracay
Nagtala ang Philippine Statistics Authority (PSA) ng
bilang ng mga illegitimate child sa Aklan base sa datos ng taong 2016.
Nakita sa datos na anim sa sampung ipinapanganak sa Probinsya
ay illegitimate.
Umabot sa 13,943 ang registered births noong nakaraang
taon kung saan 8,502 o 61% ay ipinanganak sa mga magulang na hindi
kasal habang 5,441 o 40% ay mga lehitimong anak.
Nabatid na ang nakakuha ng may pinakamataas na porsyento
na may illegitimate child ay ang bayan ng Buruangga na umabot sa 76 % na nadagdagan ng higit sa kalahati mula sa
261 sa taong 2015.
Kaugnay nito, ang mga bayan din ng Malay, Madalag at
Batan ay may mataas din na kaso ng illegitimate child.
Sa kabilang banda, ang bayan ng Malinao ang may mataas na
bilang ng mga lehitimong anak na may 50% na sinundan ng Makato at bayan ng Kalibo.
Napag- alaman na karamihan sa mga inang nanganak ay nasa
pagitan ng edad na 20 hanggang 24
habang umabot naman sa 1, 427 ang
naipanganak ng mga teenager na nasa edad 19- anyos pababa.
Samantala, ayon kay PSA Aklan officer Antonet Catubuan,
ang mga datos ay nabuo mula sa mga kopya ng mga birth certificates sa 17 lokal
na tanggapan ng civil registry sa Aklan na isinusumite sa bawat katapusan ng buwan.
No comments:
Post a Comment