Posted February 13, 2017
Ni Inna Carol L.
Zambrona, YES FM Boracay
Hiniling ng Department of Public Works anfgd Highways
(DPWH) sa South Korean government ang pagpupundo para sa posibilidad na
pagpapatayo ng tulay na magkokonekta sa Guimaras at Iloilo.
Ayon kay DPWH Secretary Rogelio Singson, sa pagbisita
umano ni Senator Franklin Drilon noong nakaraang buwan ng Enero ay nagbigay na
umano ito ng sulat sa Seoul para sa financial assistance na gagamitin para
pag-aralan ang mga gastos na gagamitin para sa pag-bebenipisyo ng 2.6-kilometer
Iloilo-Guimaras bridge.
Sinabi ni Drilon sa pagbisita sa inagurasyon ng
P180-million Muelle Loney Bridge sa bagong terminal ng Iloilo City, ito umanong
tulay ay makakaya nilang tapusin dahil hindi masyadong mahaba ang span nito at
hindi rin mahirap pondohan ito.
Samantala, kinumpirma naman ni Singson na ito umanong
proyekto ay technically at structurally na magagawa subalit sinabi nito na
kailangan pa nila ng pag-aaral ukol sa posibilidad na pag-papagawa.
At kung sakali man umano ang cost-benefit na inisyu dito
ay sakto ay hindi ito problema sa pagpagawa.
Nabatid na sumulat umano ang Regional Development Council
of Western Visayas kay Singson noong nakaraang taon hinggil sa naturang
proyekto.
Kaugnay nito, sinabi naman ni National Economic and
Development Authority Regional Assistant Director Raul Anlocotan ang naturang
tulay umano ay isang malaking suporta para sa provincial governors at
congressmen dahil naniniwala sila na ang mga proyekto ay mapalakas ang economic
growth ng Guimaras.
Dagdag pa ni Anlocotan na ang Guimaras umano na
matatagpuan sa southeast ng Panay ay maaring i-promote bilang alternatibong
island destination.
No comments:
Post a Comment