Posted December 11, 2017
Ni Inna Carol L.
Zambrona, YES THE BEST Boracay
Photo Credit Rb Bachiller |
Nanghihinayang ang isang ginang matapos masunog ang
kwarto ng kanilang bahay dahil sa naiwang kandila.
Sa imbestigasyon ni Fire Officer 2 John Henrey Eldesa ng
BFP Boracay, nakatanggap sila ng tawag pasado alas nuebe ng umaga kahapon na nasusunog
ang bahay ni Rosel Gusi sa Sitio Diniwid, Balabag.
Mabilis naman nilang ni-respondehan ang area kung saan
inapula nila ang sunog na nagmula sa pangalawang palapag ng bahay ni Gusi.
Kaugnay nito, gawa sa mixed materials ang kwarto na
mabilis na kumalat ang apoy kung saan tinatayang nasa P 100, 000 ang danyos sa
nangyaring sunog.
Ayon kay Eldesa dahil sa naiwan na kandila sa loob ng
kwarto ang pinagmulan ng sunog kung saan ay nagsindi ito ng kandila dahil sa death
anniversary ng isa sa kanilang kapamilya.
Paalala naman ni Eldesa sa publiko na huwag hayaan ang
mga sinindihang kandila upang maiwasan ang anumang insidente kagaya ng sunog.
No comments:
Post a Comment