Posted December 22, 2017
Ni Inna Carol l.
Zambrona, YES THE BEST Boracay
Iniutos na ni Malay Mayor Ceciron Cawaling na padaliin
ang assistance sa mga naapektuhan ng Bagyong Urduja.
Kahapon sa opisina ng MDRRMO, pinulong ni Cawaling ang
lahat ng Punong Barangay, LGU-Malay, PNP at lahat ng mga law enforcement unit
para sa maagap na aksyon para sa mga nasalanta ng bagyo.
Nais nito alamin agad ang pangangailangan sa mga lugar at
mga tao na naapektuhan ng naturang bagyo.
Sa ngayon, ayon kay Catherine Ong ng MDRRMO, sinimulan na
nilang magsagawa ng damage analysis sa buong
Malay at isla Boracay upang masimulan na
ang pagbibigay ng tulong.
No comments:
Post a Comment