Posted December 6, 2017
Ni Inna Carol L.
Zambrona, YES THE BEST Boracay
Kulungan ang sinapit ng isang commercial sex worker
matapos itong ireklamo ng pagnanakaw ng nakasamang Israel National kaninang madaling
araw.
Reklamo ng biktima na si Ilay Nir, 23-anyos sa mga pulis,
matapos umano nilang magkaroon ng sexual intercourse sa ini-reklamong sex
worker na si alyas “Joy” 39-anyos kinuha umano ng suspek ang kanyang cellphone.
Agad namang tinungo ni Nir ang istasyon ng Boracay PNP
para humingi ng tulong kung saan na-identify nila ang cellphone nito sa tulong
ng Google Phone Locator.
Nahuli ang suspek sa isinagawang hot pursuit operation ng
mga pulis subalit wala namang kasong isinampa ang biktima sa suspek sa ginawang
pagnanakaw sa kanya.
No comments:
Post a Comment