Posted December 6, 2017
Ni Inna Carol L.
Zambrona, YES THE BEST Boracay
Ikinasa ngayon ng Municipal Disaster Risk Reduction
Management Office (MDRRMO) Malay ang kanilang ika-limang blood letting activity
ngayong taon.
Sa panayam kay Catherine Ong ng MDRRMO, sinabi nito na
layunin ng kanilang proyekto na ito na makalikom ng maraming dugo upang
matulungan ang mga nangangailangan nito sa oras ng emerhensya.
Kaya naman sa ika-lima nilang blood letting activity sa
December 8, hinikayat nito ang mga residente at empleyado ng ibat-ibang establisyemento
sa Boracay na makiisa at maging bahagi sa kanilang gagawing aktibidad.
Samantala, katuwang nila dito ang Philippine Red Cross
(PRC) Kalibo Chapter sa pakikipagtulungan din ng iba pang Government Agency sa Boracay.
Ang bloodletting activity ay magsisimula ng alas-nuebe ng
umaga hanggang alas-dos ng hapon sa City Mall Boracay.
No comments:
Post a Comment