YES THE BEST 911 BORACAY

Friday, December 22, 2017

BFP-Boracay, naka-heightened alert ngayong Holiday Season

Posted December 22, 2017
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES THE BEST Boracay

Image may contain: 2 people, people smiling, people sittingNaka-heightened alert ngayong holiday season ang hanay ng Bureau of Fire Protection Unit (BFP) Boracay.

 Sa pagbisita nina Fire Officer 2 Jay Ares Cavan at Fire Officer 1 Anabel Villanueva  ng BFP Boracay nitong Sabado sa programang Boracay Goodnews, inilatag nila dito ang kanilang mga paalala sa publiko patungkol sa papalapit na bagong taon at sa paggamit ng paputok.

Ipinaalala ni Villanueva sa mga bumibili ng Christmas Light na i-check ng mabuti kung aprubado ito ng DTI at kung may nakalagay itong Import Commodity Clearance (ICC) dahil ito ang siyang patunay na nakapasa ito sa Product Standard (PS).

Samantala, kung sa pagbibili naman ng paputok sa bagong taon mas mainam na magsagawa nalang ng mga pampaingay sa bahay kagaya ng turotot kaysa bumili ng paputok nang sa gayon ay iwas- disgrasya.

Dagdag pa ni Cava, kung bibili naman umano ng paputok ay mas maiging bilhin ito sa mga Display Center at may permit dahil ang mga ay sumailalim sa inspection ng bureau.

Dagdag pa nito patuloy din ang kanilang pagbibigay ng mga flyers o mga paalala sa mga residente sa Boracay tungkol sa pag-iwas sa sunog at pinasiguro na mag-aantabay sila lat naka-alerto lalo na sa new year’s eve celebration.

No comments:

Post a Comment