Posted December 11, 2017
Ni Inna Carol L.
Zambrona, YES THE BEST Boracay
Handa na ang signages na ipapaskil sa beachline ng isla
para mag-paalala sa mga turista at bisita sa mga ordinansa sa bayan ng Malay.
Ilan sa mga nakasulat ay ang mga tulad ng
pagkakalat, paninigarilyo, paggawa ng sand castle, pagkuha ng buhangin, at tourguiding
na walang ID.
Sa ngayon ay nagpapatuloy ang paglalagay ng signages sa
pamamagitan ng opisina ng MDRRMO upang magbigay paalala sa mga residente at
magbigay kaalaman sa mga turistang dumadayo kung ano ang mga hindi nila dapat
gawin sa isla.
Kaugnay nito, ang sinumang lumabag sa mga ordinansa ay
papatawan ng penalidad kung saan nakakalat ang mga miyembro ng Malay Auxilliary
Police (MAP) sa lugar para magbantay at hulihin ang mga violators.
Itong paalala ng LGU-Malay ay bahagi ng pakikipagtulungan
upang maprotektahan ang number one tourist destination at kasalukuyang “number
one beach in the world” na isla ng Boracay.
No comments:
Post a Comment