Posted December 13, 2017
Ni Danita Jean A.
Pelayo, YES THE BEST Boracay
Sa panayam ng himpilang ito sa Boracay Good News kay GTC
Organizer Jann Wayne Sespeñe Homol, naisip umano ng kanilang grupo na magsagawa
ng aktibidad kasabay ng nalalapit na simbang-gabi para gunitain ang tradisyonal
na paskong pinoy.
Ayon kay Homol, ang kanilang konsepto ay nabuo para sa
mga magsisimbang gabi na mas maramdaman nila ang diwa ng pasko na magsisimula
mula alas-kwatro ng hapon hanggang alas-syete ng umaga mula a-kinse hanggang sa
araw mismo ng pasko.
Nabatid na samu’t-sari ang maaaring matutunghayan tulad
na lamang bazaar, food booth at mga palabas ang kanilang inihanda para sa
mga taga-isla.
Kaugnay nito ang mga bumubuo sa bazaar ay ang mga RTW’s,
Branded products, cosmetics, fragrance , toys at hand-made local products kung
saan naka-categorized naman ang mga food booth.
Maliban dito magkakaroon din sila ng Parol Making Contest
para sa mga estudyante ng Boracay mula sa mga recycled materials.
Samantala, ang tema ng naturang aktibidad ay “Paskong
Pinoy”para ipakita ang Filipino Culture, ang malilikom sa aktibidad na ito ay
ipapamahagi para sa isasagawang gift giving sa Day Care Center.
No comments:
Post a Comment