Posted September 13, 2017
Ni Danita Jean A.
Pelayo, YES THE BEST Boracay
Naging matagumpay ang isinagawang simulation exercises ng
mga kinatawan ng Joint Task Force Boracay kahapon, Setyembre 12 ng taong
kaslukuyan.
Sa panayam ng himpilang ito kay LCDR Julius P. Reyes,
wala naman umanong aksidenteng nangyari habang isinasagawa ang naturang
exercises na nag-umpisa ng alas-nuebe ng umaga na nagtapos ng ala-una ng hapon.
Nabatid na nagkaroon ng anim na scenario ang naturang
aktibidad kung saan ito ang Capability Demonstration Exercise (Bomb Explosion),
Capability Demonstration Exercise (Fire Incident), Capability Demonstration
Exercise (Hostage Taking), Capability Demonstration Exercise (Terrorist Reinforcement
Onboard of Water Craft), Capability Demonstration Exercise (Sighting Two
Watercrafts of the Terrorist), at Land Scenario.
Katuwang sa ginawang Capabillity Demonstration Exercise
ang PNP BTAC, PNP Maritime, Philippine Navy, Philippine Marines, Task Force
Boracay-Philippine Army, Philippine Coast Guard/Auxiliary, BFP, Boracay Action
Group-BFRAV Responders, LGU Malay, MDRRMO-Malay, Kabalikat Civicom Volunteers,
Security Heads/Managers, PCCI Boracay, Stakeholders at New Coast Boracay-Savoy
Hotel.
Samantala, matapos ang naturang demonstration exercises
nasundan ito ng dialogue kasama ang mga bisita at Stakeholders para sa
ikakaayos ng isla kung saan nabanggit dito na walang panganib sa Boracay.
No comments:
Post a Comment