Posted September 14, 2017
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES THE BEST
Boracay
Binusisi ng mga
miyembro ng Sangguniang Bayan ng Malay ang nakatakdang gawing proyekto ng
Department of Energy na Aklan Pumped-Storage Hydropower Project ng Department
of Energy sa Brgy. Nabaoy sa bayan ng Malay.
Naging bisita sa
31st Regular Session ng Malay ang Department of Environment and Natural
Resources (DENR), BIWC, Boracay Tubi, Malay Water District, at 3 C’s Farmers
Association at tatlong Punong Barangay ng Nabaoy, Napaan at Motag.
Sa ginawang
paliwanag sa plenaryo ni CENRO Boracay OIC Jonne Adaniel, noong 2015 ay nagsumite
umano sa kanilang opisina ang DOE ng application for filing forest land
issuance of permit o Special Land Use Permit kung saan ito ay naproseso nitong
2016 at lahat umano ng requirement ay nakumpleto nila na may Department
Administrative Order Number 2004-59.
Bagamat nagkaroon
umano ito ng sertipikasyon, sambit ni Sangguniang Bayan Member Frolibar
Bautista ay may bayolasyon itong proyekto dahil walang endorsement mula sa
Sangguniang Bayan ng Malay.
Aniya, bakit
nagbigay ng permit na hindi manlang dumaan sa kanila kaya nais ni Bautista na
humingi ng kopya ng EO number para malaman nila kung ano ang mga nakapaloob
dito.
Bago nito,
inimbitahan ang Nabaoy Barangay Council na naunang nagbigay ng endorsement at
tiningnan ang kahalintulad na proyekto sa Laguna para makita sa personal kung
pwede ba itong ikonsidera.
Sa pagtatanong
naman ni SB Nenette-Graf kung ano ang magiging epekto sa turismo at sa mga
malapit sa lugar, dito na naglabas ng pagkabahala ang Joy Salibio ng 3Cs
Farmers Association na maaaring mawalan sila ng suplay ng tubig sa kanilang mga
pananim kapag itutuloy ang proyekto.
Dagdag pa ni
Salibio, problema na nga sa kanila ang tatlong water provider sa Malay ay
dadagdag pa umano itong hydropower power project.
Samantala, sa
inisyal na komento mula sa BIWC, Boracay Tubi, at Malay Water District, ang
suplay ng tubig mula sa ilog ang kanilang ikinababahala na baka hindi na kaya
nitong suplayan ang Boracay at Malay kapag natuloy.
Para malinawan ang Sangguniang Bayan hinggil sa isyu,
balak nilang imbitahan ang NWRB o National Water Resources Board para
pagpaliwanagin.
No comments:
Post a Comment