YES THE BEST 911 BORACAY

Monday, September 11, 2017

Inspeksyon para sa Vehicles Registration sa Boracay gagawin ngayong Setyembre – LTO Aklan

Posted September 11, 2017
Ni Danita Jean A. Pelayo, YES THE BEST Boracay

Image result for Land transportation office logo
“Walang registration kung walang inspeksyon”.

Ito ang naging pahayag ni Elsa L. Castaños, Acting Chief ng Land Transportation Office ng Aklan sa panayam ng himpilang ito.

Nabatid na isasagawang muli ng mga kinatawan ng Land Transportation Office o (LTO) ngayong Setyembre ang pag-iinspeksyon ng mga sasakyan tulad ng single-motorbike, tricycle, at mga four-wheel vehicle sa isla ng Boracay.

Ang pag-iinspekyun bago ang pag-renew ng rehistro ng sasakyan ay naka- iskedyul tuwing ikatlong Miyerkules kada buwan kung saan ngayong buwan ay gaganapin sa Setyembre 20.

Ani Castaños,  maari ring mag pa-inspeksyon ang mga mag-i-expired sa Oktubre at Disyembre na registration.

Ang aktibidad na ito ay upang maabot ang isla dahil batid ng LTO ang problema at hirap sa pagtawid at pagdadala ng sasakyan para iparehistro sa Kalibo kung kaya’t sila na ang pupunta rito.

Dagdag pa ni Castaños, pagkatapos ng inspeksyon ay maaari na silang tumuloy sa smoke emission at bumili ng insurance at sa oras na makumpleto ang lahat ng requirements ay maari na itong lakarin sa Kalibo hawak ang mga kompletong dokumento at hindi na kailangang dalhin pa ang sasakyan.

Nabatid na tatlong taon na nilang isinasagawa ang naturang inspeksyon sa isla ng Boracay.

Samantala, kung ang e-trike naman ang pag-uusapan  ayon sa kanya ay na check nila ito at may registration naman ngunit ito ay private at ito ay nakadepende na sa Management ng Malay .

No comments:

Post a Comment