Posted September 12, 2017
Ni Inna Carol L. Zambrona,
YES THE BEST Boracay
Upang makatulong na maresolba ang “problema” sa isla ng
Boracay, dapat umanong makipagtulungan ang mga residente.
Ito ang sinabi ni Vice Mayor Abram Sualog kung saan pinunto
nito ang tungkol sa illegal connection na suliranin pa rin sa ibat-ibang mga
establisyemento dito sa isla.
Bagamat malaking hamon umano ito sa LGU-Malay, hindi raw
nila kaya kung gobyerno lang ang haharap sa ganitong klaseng problema.
Inihalimbawa ni Sualog noong siya ay Barangay Captain pa
ng ManocManoc na seryoso raw nitong binigyan ng warning ang mga may illegal connection at sinemento nito ang tubo
na naka-konekta sa drainage.
Binigyan din daw nito ng babala na kung hindi nila
aayusin ang kanilang connection ay ipa-publish nito ang kanilang mga pangalan
sa media.
Simula umano noon ay naging maganda ang kanilang
pakikipag-koordinasyon sa mga may-ari kung saan labis naman ang kanyang
pasasalamat na ito ay unti-unting nasunod.
Dagdag pa nito, huwag i-asa lahat sa gobyerno kung ano
ang mga pagbabago na dapat gawin sa isang lugar.
Paalala nito sa mga residente, tumulong at magtanong kung
ano ang pwedeng maitulong sa bayan upang walang ibang taong masisi at
ma-preserve ang usaping kapaligiran ng Boracay.
No comments:
Post a Comment