Posted September 15, 2017
Ni Teresa A.
Iguid, YES THE BEST Boracay
Nakatakdang mag sagawa ng International Coastal Cleanup ang
Philippine Coast Guard Auxiliary o (PCGA) kasama ang LGU Malay at BFI sa
darating na September 16.
Nanawagan sa publiko partikular sa mga residente ng Isla
ng Boracay ang PCGA na makiisa at makibahagi ang lahat sa nasabing event na
simultaneous na gagawin sa buong mundo.
Dagdag pa nito ang lahat ng partisipitante ay
makakatanggap ng Certificate of Recognition kung sila ay nakapag pa-rehistro ng
kanilang mga pangalan bago ang September 15.
Sa mga interesadong makilahok at para sa mga lugar na
gustong paglinisan maaaring makipag-ugnayan sa mga sumusunod:
1. Tambisaan Beach C/O CDR Desiree Segovia (0929 800 9764
2. Mangrove Area C/O LT Fernando Colesio SardaƱas (0921
492 3070)
3. Bulabog Beach C/O CDR Randall Parker (0917 914 6722
4. Yapak Beach C/O LCDR Alex Alamsyah (0917 593 5409)
5. Diniwid Beach C/O LCDR Arnold-Chona Lamsin (0920 946
9589)
6. Asya Premier C/O CDR Melinda Augustin (0907 261 6703)
7. Boracay Terraces C/O LT Claire Ang (0917 808 8872)
Layunin ng naturang event na mapangalagaan ang aplaya o
dalampasigan lalo na dito sa isla ng Boracay kung saan ito rin umano ang
pagkakataon upang maturuan ang mga nakababatang henerasyon sa pagpapanatili ng
kalinisan ng ating likas na yaman.
No comments:
Post a Comment