Posted September 11, 2017
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES THE BEST
Boracay
Isang training ngayon
ang isasagawa ng Lokal na Pamahalaan ng Malay sa mga nagbabantay sa kahabaan ng
long beach upang ang mga ito ay makapag-responde at maging bahagi ng Lifeguard.
Ayon kay
Catherine Ong ng Municipal Disaster Risk Reduction Management Office ng Malay,
itong training ay tatagal ng limang araw kung saan magsisimula ito sa September
18 hanggang 22.
Ani Ong, itong programa
ay napakahalaga lalo na para sa isla at sa kaligtasan ng mga turista.
Nais ng MDRRMO na
magiging panatag ang mga bakasyunista sa kanilang paliligo dahil meron ng mga
sinanay na mag-rescue sakaling magkaroon ng near-drowning incident sa baybayin
ng Boracay.
Inaasahang
mahigit 60 ang sasailalim sa Life Guard Training ng LGU-Malay sa pangunguna ng
MDRRMO.
Nabatid na ilan
sa mga sasanayin at bibigyan ng training ay ang mga Beach Guard, Malay
Auxuliary Police at iba pang mga volunteer group sa isla.
No comments:
Post a Comment