Posted September 12, 2017
Ni Teresa A. Iguid, YES THE BEST Boracay
Ginawaran ng pagkilala ang Kalibo Santo Niño Ati-Atihan
Foundation, Inc. o (Kasafi) at ang Chairman na si Albert Meñez ng Philippine
National Volunteer Service Coordinating Agency (PNVSCA).
Sa panayam ng himpilang ito kay KASAFI Chairman Albert
Meñez, sinabi nitong dalawang kategorya ang kanilang sinalihan, at ito ay ang
individual category at organization category.
Aniya mula sa anim na entries para sa organization
category, isa ang KASAFI sa dalawang napili na parangalan ng nasabing
pagkilala.
Isa rin umano sa tatlong napili mula sa walong entries na
gagawaran ng pagkilala si Meñez para naman sa individual category .
Pahayag ni Meñez, ito ang unang pagkakataon na
nakatanggap sila ng pagkilala bagamat madalas naman silang nominado.
Ang pagkilala ay iginawad ng NEDA sa kanilang Regional
Development Concil VI meeting noong September 8 ng taong kasalukuyan.
Samantala, ang nasabing pagkilala ay isasali rin sa
nasyonal na paparangalan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa buwan ng Disyembre.
Ang PNVSCA ay sa ilalim ng National Economic and
Development Authority(NEDA), ang ahensya kung saan sa pamamagitan ng kanilang taunang Search for
Outstanding Volunteers (SOV) ay gumagawad ng pagkilala sa mga volunteer groups
at natatanging indibidwal sa buong bansa.
No comments:
Post a Comment