YES THE BEST 911 BORACAY

Wednesday, March 22, 2017

Videoke Bars sa bayan ng Malay, dapat ng i-ban - SB Graf

Posted March 22, 2017
Ni Danita Jean A. Pelayo, YES FM Boracay

Image result for videoke bar
Sa ginanap na 10th Regular Session ng SB Malay kahapon, naging laman ng usapin ang tungkol sa gambala na dulot ng mga videoke bars sa isla at maging sa mainland Malay.

Sa Privilege Speech ni SB Nenette Aguirre-Graf, nais umano nitong i- ban ang mga videoke bars na inaabot ng madaling araw ang istorbo at ingay sa kalapit-bahay na nakaka-gambala na sa mga natutulog.

Ayon naman kay Vice Mayor Abram Sualog, kung siya umano ang tatanungin nais niyang ipasara ang mga videoke bars dahil ito ang kadalasang pinagmumulan ng prostitusyon.

Ani Sualog, marami na ang naitalang mga insidente dahil sa videokehan at tinukoy nito ang mga away at sanhi ng paghihiwalay ng mag- asawa.

Nagbigay naman ng pagtutol si SB Gallenero, iregulate na lamang umano at huwag i- ban dahil nagiging kultura na ng mga Pilipino ang pagkanta sa oras na sila ay may mga pagtitipon at kasiyahan.

 Samantala, napagkasunduan ng mga opisyal na itong usapin ay i-refer sa Committee on Laws, Committee on Tourism at Environment.

No comments:

Post a Comment