Posted March 24, 2017
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay
Isang resulosyon
ngayon ang ipinasa ng Sangguniang Panlalawigan (SP) Aklan na hingin kay Education
Secretary Leonor Briones na pondohan ang pag-papaayos ng Division Office ng
DepEd Aklan.
Sa session nitong
Lunes, binanggit ni Emmanuel Soviet Russia Dela Cruz Committee Chairman on
Education dapat ng matapos ang ginagawang konstruksyon ng bagong Division Office
sa Numancia ng sa gayon ay magamit na ito ng mga estudyante.
Dagdag pa nito,
na parami na ng parami ang mga estudyante kaya dapat ang gusaling ito ay mapapakinabangan
na sa madaling panahon.
Kaugnay nito, nakapaloob
sa naturang resulosyon na una nang naglaan ng pondo ang probinsya na
nagkakahala ng P 11 milyon kung saan nagbigay rin ng mahigit P 2,700,000 na
halaga si dating Vice-Governor Calizo Quimpo para dito subalit hindi parin ito
sapat.
Samantala, hinihintay
nalang nila ngayon ang tugon ni Secretary Briones sa naturang kahilingan.
No comments:
Post a Comment