Posted March 21, 2017
Ni Inna Carol L.
Zambrona, YES FM Boracay
Ayon kay PO2 Julius Bendoy ng Altavas PNP, nagbigti umano
ang biktima sa isang kubo na may 50 metro ang layo sa kanilang bahay.
Nakita rin nila dito na bago nagbigti ang biktima ay
naglaslas pa ito sa kanyang kanang kamay.
Sa report umano ng pamilya sa mga pulis, Oktubre ng
nakaraang taon ay tila umiiba na ang takbo ng isip ng biktima at palaging
kinakabahan kung saan nakapagsabi umano ito sa kanila na may nakikita itong mga
kababalaghan.
Samantala, dinala pa sa Altavas Hospital ang biktima
subalit ideneklara itong DOA o Dead on Arrival ng doctor na sumuri dito.
No comments:
Post a Comment