Posted March 22, 2017
Ni Danita Jean A.
Pelayo, YES FM Boracay
Sa ginanap na 10th Regular Session ng SB Malay
kahapon, naging laman ng usapin ang tungkol sa gambala na dulot ng mga videoke
bars sa isla at maging sa mainland Malay.
Sa Privilege Speech ni SB Nenette Aguirre-Graf, nais
umano nitong i- ban ang mga videoke bars na inaabot ng madaling araw ang
istorbo at ingay sa kalapit-bahay na nakaka-gambala na sa mga natutulog.
Ayon naman kay Vice Mayor Abram Sualog, kung siya umano
ang tatanungin nais niyang ipasara ang mga videoke bars dahil ito ang kadalasang
pinagmumulan ng prostitusyon.
Ani Sualog, marami na ang naitalang mga insidente dahil
sa videokehan at tinukoy nito ang mga away at sanhi ng paghihiwalay ng mag-
asawa.
Nagbigay naman ng pagtutol si SB Gallenero, iregulate na
lamang umano at huwag i- ban dahil nagiging kultura na ng mga Pilipino ang
pagkanta sa oras na sila ay may mga pagtitipon at kasiyahan.
Samantala,
napagkasunduan ng mga opisyal na itong usapin ay i-refer sa Committee on Laws,
Committee on Tourism at Environment.
No comments:
Post a Comment