Posted March 23, 2017
Ni Danita Jean A.
Pelayo, YES FM Boracay
Ito ang unang hakbang ayon sa Malay Health Office para
maiwasan ang mga insidente ng rabies sa paggunita ng Rabies Awareness Month na
may temang “Rabies Iwasan, Alaga'y Pabakunahan” ngayong buwan ng Marso.
Sa panayam ng himpilang ito kay Municipal Health Officer Head
Dr. Adrian Salaver, nabanggit nito na hindi
lamang umano dapat maging aware sa rabies sa buwan ng Marso kundi sa buong taon.
Aniya, kailangan na maging responsible ng mga pet owners
kung saan dapat na alagaan, pakainin, pabakunahan at paliguan ang mga alaga
nilang hayop katulad ng pag- aaalaga sa tao.
Sinabi din nito na na hindi dapat ipagsawalang-bahala ang
kagat ng mga hayop dahil ang rabies ay nakamamatay kung kaya’t agad itong
hugasan ng running water at linisin ng sabon bilang paunang lunas.
Kaugnay nito, nabanggit din ni Salaver na ang mga animal
bite center sa bayan ng Ibajay at Kalibo ay bukas para sa pagbigay ng lunas sa
mga nabiktima ng rabies.
Nais din na ipaabot ni Dr. Salaver sa kinauukulan ang
pagpapatypad ng ordinansa tungkol sa mga pagala-galang mga aso na nakikita sa
Beachfront na kadalasan ay nanghahabol.
Samantala, nananatiling Rabies Free pa rin ang Bayan ng
Malay.
No comments:
Post a Comment