Posted March 22, 2017
Ni Danita Jean A.
Pelayo, YES FM Boracay
Muling nasilayan ang returning vessel na MS Seaborne
Sojourn na isang European cruise ship sa pagdaong nito sa karagatan ng Boracay
ngayong araw.
Sa panayam ng himpilang ito kay Jetty Port Special
Operation III Jean Pontero, dumating ang barko kaninang alas- syete ng umaga lulan
ang 446 na mga pasahero at 348 na mga crew.
Bago tumungo ng Boracay, dumaan muna ito ng Coron,
Palawan at maglalayag patungong Manila kung saan ay magtatagal lamang ng hanggang
alas- kwatro ng hapon ang mga pasahero para mabigyan ng oras na ikutin ang
Boracay.
Samantala, ito na ang ikalimang pagkakataon na dumaong
ang nasabing cruise ship sa isla na unang bumisita noong taong 2015.
No comments:
Post a Comment