Posted March 21, 2017
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay
Posibleng kasuhan
ng Environmental Management Bureau o EMB Region-6 ang Lokal na Pamahalaan ng
Malay kapag hindi nito maayos ang hinaharap na problema ng Centralized MRF sa
Manoc-manoc.
Ito ang binanggit
ni Atty. Ramar Niel Pascua, Chief ng Legal Section ng Environmental Management
Bureau (EMB) Region 6 sa interview ng himpilang ito matapos umanong mag-usap
sila ni Mayor Ceciron Cawaling kung saan humingi ito ng 30 araw para madala lahat ng residual waste sa landfill ng Malay.
Nabatid kase na
itong residual waste ang sanhi ng problema ng mga residente lalo na sa mga
estudyante dahil sa hindi magandang amoy nito na kanilang nalalanghap.
Dagdag pa ni
Pascua, habang patuloy ang monitoring ay magsasagawa ng evaluation report ang
EMB kung nasunod ang rekomendasyon na nilatag nila pagkatapos ng 30-days na
hiningi ng LGU-Malay.
Kung maalala,
inatas ng Provincial Environment
and Natural Resources Office (PENRO Aklan) na posibleng isara o ihinto ang
operasyon ng MRF Manoc-manoc dahil sa mga nakita nilang paglabag ng RA 9003 o
Ecological Solid Waste Mangement Act of 2000.
No comments:
Post a Comment