Pages

Tuesday, March 21, 2017

EMB Region-6, posibleng kasuhan ang LGU-Malay kapag hindi maayos ang Centralized MRF

Posted March 21, 2017
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for Environmental Management Bureau o EMB Region-6
Posibleng kasuhan ng Environmental Management Bureau o EMB Region-6 ang Lokal na Pamahalaan ng Malay kapag hindi nito maayos ang hinaharap na problema ng Centralized MRF sa Manoc-manoc.

Ito ang binanggit ni Atty. Ramar Niel Pascua, Chief ng Legal Section ng Environmental Management Bureau (EMB) Region 6 sa interview ng himpilang ito matapos umanong mag-usap sila ni Mayor Ceciron Cawaling kung saan humingi ito ng 30 araw para madala  lahat ng residual waste sa landfill ng Malay.

Nabatid kase na itong residual waste ang sanhi ng problema ng mga residente lalo na sa mga estudyante dahil sa hindi magandang amoy nito na kanilang nalalanghap.

Dagdag pa ni Pascua, habang patuloy ang monitoring ay magsasagawa ng evaluation report ang EMB kung nasunod ang rekomendasyon na nilatag nila pagkatapos ng 30-days na hiningi ng LGU-Malay.

Kung maalala, inatas ng Provincial Environment and Natural Resources Office (PENRO Aklan) na posibleng isara o ihinto ang operasyon ng MRF Manoc-manoc dahil sa mga nakita nilang paglabag ng RA 9003 o Ecological Solid Waste Mangement Act of 2000.

No comments:

Post a Comment