Pages

Thursday, March 23, 2017

Dr. Salaver nagbigay paalala sa pag-selebra ng Rabies Awareness Month

Posted March 23, 2017
Ni Danita Jean A. Pelayo, YES FM Boracay

Image result for rabies awareness month 2017 theme
“Pagiging responsable ng mga pet owners”.

Ito ang unang hakbang ayon sa Malay Health Office para maiwasan ang mga insidente ng rabies sa paggunita ng Rabies Awareness Month na may temang “Rabies Iwasan, Alaga'y Pabakunahan” ngayong buwan ng Marso.

Sa panayam ng himpilang ito kay Municipal Health Officer Head Dr. Adrian Salaver, nabanggit nito na  hindi lamang umano dapat maging aware sa rabies sa buwan ng Marso kundi sa buong taon.

Aniya, kailangan na maging responsible ng mga pet owners kung saan dapat na alagaan, pakainin, pabakunahan at paliguan ang mga alaga nilang hayop katulad ng pag- aaalaga sa tao.

Sinabi din nito na na hindi dapat ipagsawalang-bahala ang kagat ng mga hayop dahil ang rabies ay nakamamatay kung kaya’t agad itong hugasan ng running water at linisin ng sabon bilang paunang lunas.

Kaugnay nito, nabanggit din ni Salaver na ang mga animal bite center sa bayan ng Ibajay at Kalibo ay bukas para sa pagbigay ng lunas sa mga nabiktima ng rabies.

Nais din na ipaabot ni Dr. Salaver sa kinauukulan ang pagpapatypad ng ordinansa tungkol sa mga pagala-galang mga aso na nakikita sa Beachfront na kadalasan ay nanghahabol.

Samantala, nananatiling Rabies Free pa rin ang Bayan ng Malay.

No comments:

Post a Comment