Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay
Nakatakdang
isailalim ng Boracay Tourist Assistance Center (BTAC) ang SALAAM Police
Volunteer para sa kanilang validation.
Itoy matapos na
isagawa ang Nationwide Program para sa Peace Building Caravan sa Brgy.
Manoc-manoc Covered Court kahapon sa pangunguna ng Police Regional Office 6.
Nabatid na isa
ang SALAAM Police Volunteer at ang SALAAM Police sa mga dumalo sa nasabing
programa kasama ang KABALIKAT CIVICOM, APPO at Boracay PNP.
Kaugnay nito
naging speaker naman sa nasabing programa sina P/Supt. Joseph Ian Lofranco OIC
SALAAM Police Center at Ustadz Yunuz Abdulmuln Spiritual Adviser, SPC na mula
sa Camp Crame.
Dito naki-usap ang
mga ito na kung maaari ay alisin na ang diskriminasyon sa mga Muslim at maging
pantay sa pagtrato sa mga ito.
Ang SALAAM Police
Volunteer sa pamamagitan ng Boracay PNP ay sasailalim sa ibat-ibang training kasabay
sa pag-renew ng kanilang ID kung sila ba ay makakapasa sa pagkuha ng validation
para dito.
No comments:
Post a Comment