Posted June
1, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Isa sa mga pangunahing problema sa isla ng Boracay ang
mga basura na hindi kanais-nais sa mga mata ng turista.
Dahil dito, hindi nakalagpas kay SB Member Rowen Aguirre
ang naging obserbasyon nito sa Brgy. Balabag matapos na kung anong oras na
umano kung kulektahin ang mga basura.
Sa kanyang privilege speech sa ginanap na 19th
Regular SB Session nitong Martes, sinabi nito na umaabot na ng alas-8 hanggang
alas-9 ng umaga ang pangongolekta ng mga naturang basura.
Samantala, magsasagawa naman ng imbestigasyon ang SB
Malay kaugnay sa nasabing problema sa pamamagitan ng Solid Waste Management.
Nabatid na halos dalawang linggo ng palaging-delay ang
pangongolekta ng basura sa naturang brgy. kung saan dati ay madaling araw itong
ginagawa ngunit ngayon ay halos inaabot na ng pagsikat ng araw.
Ang Balabag ang siyang halos may pinakamaraming basura na
nakokolekta araw-araw dahil sa ito ang sentro ng isla kung saan dito makikita
ang mga nag-lalakihang establisyemento at napakaraming mga boardinghouses.
Note: This news item is supported by Voice Clip of Hon. Rowen Aguirre, SB Member of Malay during the 19th Regular SB Session last Tuesday.
No comments:
Post a Comment