Posted June 3, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Sa kauna-unahang pagkakataon ay ginanap sa isla ng
Boracay ang prestihiyusong event na PSTD 3rd Gawad Maestro Award.
Limang parangal para sa limang kategorya ang nabigyan ng
pagkilala hindi lamang indibidwal kundi pati na ang mga kilala at malalaking
kumpanya at negosyo sa bansa.
Dito tinanghal na Outstanding Learning & Development Professional
ang napakabatang si Mr. Rowell Mariano ng Bounty Agro., habang nakuha naman ni
Eileen David Reyes ng Security Bank ang Outstanding L&D Manager.
Maliban dito nanalo naman sa kategoryang Outstanding
L&D Organizational Champion si ang PJ Lhuillier ng habang sa
Outstanding L&D Program of the Year ay napanalunan ito ng dalawang
kumpanyang Maynilad 8 key steps to service excellence at BBX-Better Banking Xperience
SBC (Security Bank Academy).
Samantala, nakuha naman ngayong taon ni Ginoong Victor
Magdaraog ng Development Dimension International (DDI) ang Outstanding L&D
Leader Extraordinaire.
Nabatid na layunin ng Philippine Society for Training and
Development (PSTD) ay ang magbigay ng Training Program sa mga Human Resource (HR),
Professional, Practitioner, Trainers at iba pa.
Ang PSTD 3rd Gawad Maestro Award ay ginanap
kagabi sa Henann Regency Hotel sa station 2 Boracay kung saan ito ay dalawang
araw na aktibidad tampok rito ang ginawang PSTD Uncovention at ang Learning
Marketplace A at B kasama na Expo opening.
No comments:
Post a Comment