Posted May 30, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Tatlo hanggang anim na buwan ang target ng Aklan Police
Provincial Office (APPO) na mahuli ang 110 katao sa kanilang drug list sa
probinsya.
Ito ang pahayag ni Police Chief Inspector Bernard Upano
ng APPO Chief of Police Intelligence Branch Provincial Anti Illegal Task Group.
Ayon kay Upano, ito ang bilang ng mga nagtutulak at
gumagamit ng droga sa probinsya base sa kanilang ginawang 1st at 2nd
validation kamakailan.
Sinabi pa nito na sa 17 munisipalidad sa Aklan ay isa
lamang na bayan ang walang naitalang gumagamit at nagbibinta ng droga sa lugar
kung saan 97 naman rito ang apektadong Brgy.
Sa ngayon umano ay tuloy-tuloy ang kanilang ginagawang
clearing operation sa buong probinsya lalo na sa isla ng Boracay kung saan marami
rin ang gumagamit ng droga.
Sa kabilang banda tiniyak naman ni Upano na hindi
nanggagaling ang mga illegal drugs sa Aklan dahil sa wala naman umanong
laboratory rito kung saan nagmumula pa umano ito sa mga katabing probinsya kagaya
ng Iloilo at Bacolod na idini-deliver lamang sa Aklan.
Nabatid na target ni Presumptive President Rodrigo
Duterte na masugpo ang illegal na druga sa bansa sa loob ng tatlo hanggang anim
na buwan sa kanyang pag-upo.
No comments:
Post a Comment