Posted June 1, 2016
Ni Inna Carol L.
Zambrona, YES FM Boracay
Arestado ang negosyanteng lalaki sa isinagawang buy-bust operation
matapos itong mahuli na nagbebenta ng
illegal na droga sa Brgy. Manoc-manoc kaninang umaga.
Sa pinag-samang pwersa ng Malay PNP, Aklan Public Safety
Company, Maritime Police at Boracay PNP, nahuli ang suspek na si Ramil Delgado
37-anyos nakatira sa Brgy. Manoc-manoc.
Nakuha sa suspek ang dalawang sinasabing suspected shabu
kapalit ng buy-bust money na nagkakahalaga ng P1, 000.
Maliban dito, nakuha pa mula sa kanyang bulsa ang pitong
suspected shabu na nakapasok sa loob ng pouch at isang Caliber 45 colt.
Samantala, ang suspek ay naka-kulong na ngayon sa
lock-up-cell ng Malay PNP at nakatakda namang sampahan ng kasong paglabag sa
Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
No comments:
Post a Comment