Ni Inna Carol L.
Zambrona, YES FM Boracay
Ini-reklamo ngayon ng isang pribadong klinika sa Boracay
ang kanilang pasyenting Construction worker sa pamamagitan ng kanilang Security
guard matapos nitong takbuhan ang kanyang bill kagabi.
Nakilala ang nag-reklamong sekyu na si Zyril Balayon
18-anyos habang ang suspek ay nakilalang si Loubert Villanueva 23-anyos ng
Kalibo, Aklan.
Salaysay ni Balayon sa mga pulis sa Boracay PNP,
naka-duty umano siya ng makita niya na umalis ang suspek sakay ng motorsiklo
kung saan hindi umano nito namalayan na hindi pa pala ito naka-bayad ng kanyang
bill.
Dahil dito, tumawag sila ng pulis kung saan agad namang
nagsagawa ang mga ito hot pursuit operation sa lugar na kanyang
pinagta-trabuhan ngunit bigo silang makita ito.
Nabatid na nag-kakahalaga ng P9, 215 ang bill na kanyang
hindi nabayaran.
No comments:
Post a Comment