YES THE BEST 911 BORACAY

Monday, May 30, 2016

Brigada Eskwela sa Boracay, sinimulan na!

Posted May 30, 2016
NI Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay


  “Pasukan na naman”

Ito ngayon ang mga salitang lumalabas sa bibig ng mga magulang na may estudyanteng papasok sa eskwelahan.

Sa kabila ng mga pangunahing bilihin ngayon ng mga estudyante katulad ng school supplies, nagsimula naman kaninang umaga ang Brigada eskwela sa Balabag, Elementary, School.

Ayon kay Balabag, Elementary, School Teacher Ezequias Bansula, kasama nila sa paglilinis kanina ang apatnapu’t-walong mga kapulisan ng Boracay Tourist Assistance Center o (BTAC), kasama ang Philippine Army, Kabalikat Civicom, Tanod at mga magulang na nagpa-enroll ng kanilang mga anak.
Kasabay ng ginawang Brigada Eskwela ang enrollment ng mga batang mag-aaral na magtatapos sa ika-apat ng Hunyo.

Ang hindi naman makahabol ay may pagkakataon pa hanggang sa araw ng pasukan sa Hunyo a-trese.

Nabatid na ang Brigada Eskwela ay programa ng Department of Education (Deped) kung saan layunin nito na magtulungan ang mga magulang at ilang organisasyon na ayusin at linisan ang paaralan bago ang pasukan.

Malaki naman ang pasalamat ng mga guro sa Balabag dahil sa tulong ng mga local na sector sa pagtulong sa kanila hindi lang sa paaralan pati na sa mga estudyanteng papasok dito.

Inaasahan naman nila ngayon ang malaking enrollment ng mga estudyante ngayong taon.

No comments:

Post a Comment