Posted April 4, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay
Muling nagpaalala
ang Aklan Police Provincial Office (APPO) sa mga magbabakasyon ngayong Summer
Season sa isla ng Boracay.
Itoy dahil sa
paunti-unti na ngayong dumadagsa ang mga local at foreign tourist sa isla kung
saan hindi na naman maiiwasan ang magkaroon ng insidente ng nakawan.
Ayon kay PO1 Jane
Cahilig Vega ng Aklan Police Provincial Office (APPO) Public Information
Department, target nila ngayon ang pag-deploy ng mga Police personnel
lalong-lalo na ang mga kalalakihang pulis upang mapigilan ang kriminalidad.
Aniya ang
pag-dagdag ng mga pulis ay makakatulong upang mas mapaigting at mabantayan pa
ang seguridad ng mga residente o mga turista na pupunta sa Boracay.
Samantala,
pinayuhan din nito ang mga residente sa Boracay na alamin ang mga hotline
numbers na pwedeng tawagan para narin sa kanilang seguridad.
No comments:
Post a Comment