Posted April 7, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay
Ayon kay Chief
Tourism Operation Officer Felix Delos Santos, handang-handa na ang kanilang departamento
sa lahat ng mga dapat gawin sa nasabing
event, kasabay narin sa nalalapit na selebrasyon ng “ Fiesta De Obreros” sa May
1 ng susunod na buwan.
Aniya naka-fucos
sila sa apat na ibat-ibang area ng information education campaign kung saan isa
dito ay magbibigay sila ng tips sa mga agencies kung paano maprotektahan ang
isla, mga flyers na naglalaman ng kaalaman kung ano ang mga hindi dapat gawin.
Kaugnay nito,
makikipag-pulong umano sila kasama ang Boracay Action Group o (BAG) kung saan
kasama din nila dito ang mga force multipliers, kaugnay sa plano kung ano ang
mga dapat gawin para sa seguridad ng mga taong magbabakasyon sa isla.
Samantala, naka full
force narin umano pagdating sa emergency preparedness ang Red Cross
Boracay-Chapter, BFRAV o Boracay Fire Rescue Ambulance Volunteers at Municipal
Disaster Risk Reduction Management Office (MDRRMO) Malay sakaling magkaroon ng
problema sa kalusugan ang mga bisita.
Payo ni Delos
Santos sa mga magbabakasyon sa isla ng Boracay na magbigay respeto, maging
responsable at sumunod sa mga rules and regulation dito upang hindi masita ng
mga otoridad.
No comments:
Post a Comment