Posted April 9, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Pormal na tinanggap ni Mayor John Yap ng Malay ang bagong
Fire Truck mula sa Bureau of Fire Protection (BFP) nitong Martes sa Quezon City
Memorial Circle.
Mismong si Pangulong Aquino ang nanguna sa turn-over ng
nasabing sasakyan na may bilang na 135 kung saan isa ang bayan ng Malay at
Buruangga sa Aklan sa mga nabigyan nito.
Malaki naman ang naging pasalamat ng alkalde dahil sa
mayroon na ngayong sariling fire-truck ang Malay.
Nabatid na wala pang sariling fire truck ang mainland Malay
ngunit ilang fire truck naman ang mayroon sila sa isla ng Boracay.
Ang nasabing fire truck ay pinondohan ng Department of
Interior and Local Government (DILG) National kasama na ang mga bagong patrol
car.
Samantala, sa araw naman ng Lunes ay nakatakdang
isailalim sa blessings ang naturang sasakyan sa pangunguna mismo ni Mayor John
Yap.
No comments:
Post a Comment