Posted April
6, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Tinalakay ngayong Martes sa Sangguniang Bayan Session ang
tungkol sa summer job para sa mga kabataan sa bayan ng Malay.
Ito’y matapos sabihin ni SB Member Rowen Aguirre sa
kanyang privilege speech ang tungkol sa reklamo ng ilang mga magulang ng mga
kumukuha ng summer job na madami pa umanong hinahanap na requirements kung saan
isa rito ang endorsement mula sa kapitan.
Dahil dito nakatakdang ipatawag sa susunod na session ang
MPDO o Municipal Planning Office para alamin kung anong mga requirements at mga
benefits ang makukuha rito ng mga mag sa-summer job sa LGU Malay.
Nabatid na ang MPDO ang siyang may hawak sa mga summer
jobbers kung saan bawat brgy. sa Malay ay kumukuha sila ng mga kabataan na
gustong mag-trabaho habang walang pasok sa paaralan.
No comments:
Post a Comment