Posted April 4, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Mas lalo pa ngayong hinikayat ng Municipal Heath Office
(MHO) Malay ang publiko na sumailalim sa kanilang Free HIV-testing matapos na patuloy
na tumataas ang kaso nito.
Ayon kay Malay Municipal Health Office (MHO) Health and
Educational Promotion Officer Arbie Aspiras, huwag umanong matakot na subukan
ang Free HIV-testing upang agad na maagapan sakaling magkaroon sila nakakamatay
na sakit.
Iginiit din nito na kung sino man ang sumailalim sa Free
HIV-testing ay magiging confidential ito at walang ibang makakaalam alinsunod
sa itinalagang batas para rito.
Samantala, maliban rito ay namimigay din sila ng libreng
condom bilang proteksyon sa pakikipagtalik.
No comments:
Post a Comment