Posted
April 8, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Credit to Kalibo International Airport |
Isinusulong ng mga International Traveller na palitan ang Aklan Freedom Shrine na makikita sa bayan ng Kalibo.
Ang suhistisyong ito ay idinaan sa facebook account ng KIA kung saan nakalagay rito ang #ReplaceAklanFreedomShine kung saan may disinyo itong inspired sa Paraw.
Nakasaad rin dito na napapanahon na umano para sa mga
leader at politiko na palitan ang rundown, archaic state of the province,
Historical shrine.
Ito din umanong konkretong monomento na tinatawag ngayong
freedom shrine ay hindi nagre-reflect sa totoong meaning ng historical monument
at naka-construct umano sa lumang disensyo.
Itinayo ang Aklan Freedom Shrine upang ipaalala sa mga
lokal na mga tao ang mga sakripisyo at magbigay pugay sa pamana ni Heneral
Francisco del Castillo at ng 19 na bayani ng Aklan. Ang Aklan Freedom Shrine ay may labinsiyam na
hakbang na paikot-ikot sa monumento kung saan ang labi ng XIX martir ay
inilibing.
No comments:
Post a Comment