Posted
April 8, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay
Malapit na umanong matapos ang itinatayong 118 Solar
Street lights mula sa station 1 hanggang station 3 sa mainroad ng isla ng Boracay.
Ito ay proyekto ng Local Government Unit (LGU) Malay kung
saan kasalukuyan na ngayong umiilaw ang mga nauna ng naitayo.
Ayon kay Municipal Engineer OIC Engr. Arnold Solano, nasa
sampu nalang ang kailangan nilang maipatayo kung saan inuna nila ang sa mga madidilim
na bahagi ng lugar ng isla.
Sa ngayon hinihintay nalang umano nilang matapos ang
naturang proyekto kung saan kanila muna itong isinusuri bago maisapinal ang
paggamit nito.
Nabatid na ang Solar Street Lights ay iilaw kahit brown
out dahil sa taglay nitong lakas na nagmumula sa init ng araw.
No comments:
Post a Comment