Posted November 28, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay
Para makatulong
sa mg kabataan, limam’put tatlo na miyembro ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program
(4Ps) ngayon ang natanggap sa trabaho sa isinagawang job caravan sa ABL Sports
and Cultural Complex.
Nabatid na ang
nais ng “Hanap buhay” na programa ng 4P’s ay para makapagbigay ng pangkabuhayan
sa mahigit 400 kabataan na miyembro nito. Kung saan ang mga ito ay sumailalim
muna sa technical-vocational schools na accredited ng Technical Education and
Skills Development Authority o (Tesda).
Itong programa ay
isinagawa ng Department of Social Welfare and Development Region 6 job caravan sa
ilalim ng kanilang Sustainable Livelihood Program.
Samantala, sa 53 aplekanti
na natanggap, 668 naman ang napag-alaman na natanggap na sa ibat-ibang trabaho
na inalok ng 23 recruitment agencies kung saan meron itong 14 na local at siyam
na overseas.
Kaugnay nito, posibleng
ang mapasukang trabaho ng mga ito ay ang fixed assets and supplies assistant,
baggers, cashiers, sales, at stock clerks sa supermarket, grass-cutters para sa
manpower at general services company, customer service representatives sa lahat
ng call center at household service
workers sa Middle East.
Samantala, sa
pakikipag-tulungan ng Public Employment Service Office, at ng Department of
Labor and Employment naging matagumpay ang isinagawang okasyon.
No comments:
Post a Comment