YES THE BEST 911 BORACAY

Tuesday, November 29, 2016

Suppliers ng E-trike sa Boracay, ipapatawag sa SB Malay

Posted November 28, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona at Danita Jean A. Pelayo, YES FM Boracay

Nakatakda ngayong ipatawag sa susunod na sesyon ng Sangguniang Bayan ng Malay ang mga suppliers ng E-trike o Electronic Tricycle sa isla ng Boracay.

Ito ang laman ng Privilege Speech kaninang umaga ni SB Dante Pagsuguiron sa ginanap na 20th Regular Session ng Malay, kung saan isang sulat ang ipina-abot sa kanya ng mga driver- operators ng E-trike hinggil sa kanilang mga hinaing kaugnay sa kanilang paggamit nito.

Sa nasabing sulat, ay tatlumpo’t-walong mga driver at operators ang lumagda sa naturang reklamo na sila umano ay apektado sa mga polisiyang ipinapatupad partikular ng kompanya ng Tojo Motors Corporation.

Partikular na tinukoy dito ang pagbalik o pag-recharge umano ng mga unit bago umabot ng 77. 2 volt meter na malaking epekto sa mga sira ng battery sa kadahilanang napupunta nalang ang kanilang kita para pambayad dito.

Kung saan ang first charge ay P250.00 na umaabot hanggang sa P 650.00 bawat araw pambayad sa battery charging maliban pa sa pagbili nila ng napakamahal na piyesa na sa kanila lamang mabili ng eksklusibo.

Isa rin sa mga nabanggit sulat-reklamo ay kapag lumalakas umano ang ulan at basa ang kalsada ay nawawalan ng preno ang kanilang E-trike dahilan para magkaroon ng mga hindi inaasahang aksidente.

Kaya naman handa umano silang tumigil sa kanilang pamamasada kung kinakailangan upang mabigyang daan ang pag-recall ng mga unit ng E-trike sa Boracay.

Kaugnay nito, napag-pasyahan sa komite na ipatawag sa susunod na sesyon ang apat na suppliers ng E-trike kung saan ito ay Be-mac, Tojo, Gerweiss Motors at Prozza upang mapag-usapan ang mga reklamo sa E-trike.

No comments:

Post a Comment